June 2013
Tunay nga
Isa akong tanga
Na kahit gaano pa tapakan
bitawan, iwanan,
saktan, hindi pa rin
kayang tiisin
hindi pa rin
kayang iwasan
ang matatamis mong
ngiti.
stop being cute you live far away
Kung ako ikaw,
kapag hinawakan mo ang kamay ko, hindi ako bibitaw.
Kung ako ikaw,
sa tuwing kasama kita, gagawin ko ang lahat para ang oras ay tumagal pa.
Kung ako ikaw,
agad akong sasagot sa mga text mo, o tawag mo, dahil hindi ko kayang tiisin lahat ng bagay na may kinalaman sayo.
Kung ako ikaw,
papangitiin kita sa kahit anong paraan na kaya ko, lalo na pag alam kong pagod ka o malungkot ka o masama ang araw mo.
Kung ako ikaw,
handa akong maghintay ng tatlong oras, para lang makasama ka ng tatlong minuto.
Kung ako ikaw,
aangkinin na kita, bago ka pa mawala.
Kung ako ikaw,
hindi kita kayang iwan.
Pero hindi ako ikaw.
At hindi ikaw ako.