Hello.
Ano? Hindi ko naiintindihan.
Nakuha sa mga salitang hindi naman totoo.
Nakuha sa tanong na inasang magkakatotoo.
Hello.
Ah. Ganun ba? Sige lang. Ikaw ay aking pakikinggan.
Pinaglaanan ng oras. Naging masaya.
Hindi nagsawang alayan ng kanta.
Hello.
Pero hindi ba ganito? Anong ginagawa mo?
Kilos. Salita. Gawa. Nagulat sa mga kaganapan.
Mga tanong na walang sagot. Bakit ka ganyan?
Goodbye.
Ano ba talaga?
Umasa. Pinaasa.
Goodbye.
Pero hindi ba?
Nagtanong. Kumanta.
Goodbye.
Bakit nga ba?
Iniwan. Nasaktan.
Goodbye.
Huli na to. Para sayo.
Sana maging masaya ka.