Showing posts tagged my life.
x
Minsan sa mga tanong nagsisimula ang lahat.  

Twitter | Instagram | Ask.fm
Christine. 19 years old. Capricorn.

I am fond of quotes and beautiful pictures and foods and books ♥

Warning: This is a very random personal blog. I post random shits and I blog/rant in both English & Tagalog.

LINKS: MGA KWENTO SA BUHAY NI CHRISTINE EMANO | TAGALOG LITERARY SHIZZ | QUOTES

Gusto na ayaw.

Siguro isa sa mga madalas kong isipin talaga ngayon ay kung gusto ko ba ang isang bagay o hindi. Madalas kasi ginagawa ko ang mga bagay na ayoko, at hindi ko ginagawa ang mga bagay na gusto ko. Sinusubukan kong i-reverse psychology ang sarili ko. Sobrang baliw ko lang. Pero shempre minsan naman talaga, kapag sobrang gusto ko ang isang bagay, inaamin ko naman sa sarili ko, yun nga lang, hindi ko sinasabi. Ayokong sabihin ewan ko ba kung bakit. Siguro may takot ako na baka ayaw ko pala. O may takot ako na baka hindi pala tama yung gusto ko. 

Siguro nga totoo nga ang sabi nila, na ang mga babae daw pabago-bago ng isip. Na inaamin ko naman na madalas talaga nagbabago ang isip ko. Kaya hindi ko rin alam mismo sa sarili ko kung ano ba talaga ang gusto ko. Kasi baka naman yung gusto ko, hindi ko naman pala kailangan. Tapos yung ayaw ko, yun yung kailangan ko. O baka yung gusto ko, hindi naman pala worth it. At yung ayaw ko, baka naman yun yung ikabubuti ko.

Hay ewan. Napakalabo kong tao. Parang may mga bagay na nagttrigger sakin at iisipin kong “ayoko na. tigil na.” Pero di magtatagal, hindi ko rin kayang tiisin at mapapagtanto kong hindi ko rin pala kayang ayawin o itigil. Naiinis na ko sa sarili ko. Pero ganun eh. Wala eh. Mahina talaga ko sa mga gusto kong bagay na parang ayoko pero gusto ko pa rin. Whut. Labo. Ktnxbye.

— 16 hours ago
#my life  #tagalog  #blog  #gusto  #ayaw  #malabo 
The X Files →

Joke. Facebook account ko to. First time kong magbibigay ng link ng facebook. Wala lang. Na-realize kong wala na kong friend, kaya add nyo ko. Para may kaibigan na ko ulit.  #weh #CHOS HAHAHA!

De wala gusto ko lang magpromote ng facebook sa kadahilanang never kong nilantad ang facebook ko dito, testing lang naman. Add nyo ko <3 Andyan ang isa ko pang katauhan. Madami kasi akong katauhan guys. Charozikaaa.

— 2 weeks ago
#facebook  #add  #link  #tagalog  #filipino  #my life 
I think i am loving threshold photos.
So yea this is me with my teased hair + fierce look. HAHAHA!

I think i am loving threshold photos.

So yea this is me with my teased hair + fierce look. HAHAHA!

— 3 weeks ago with 1 note
#my life  #photo  #threshold 
Fear of death.

Pag mag-isa ‘ko, madalas kung isipin kung paano kaya kung habang naglalakad ako biglang akong mabundol ng sasakyan, o habang nakasakay sa fx bigla na lang may mang holdap at barilin ako, o habang nakasakay sa elevator bigla na lang tong bumagsak, o habang nasa mall bigla na lang may magpasabog ng bomba, o habang natutulog kinabukasan di na ko magising.

Baliw na kung baliw, pero araw-araw iniisip ko paano kaya kung bigla na lang akong mawala. Minsan parang takot akong mawala pero kadalasan, handa ako. Parang okay lang sakin na mamatay ako sa araw na yun. Kahit alam kong andami ko pang hindi nagagawa sa buhay ko, o andami ko pang gustong maranasan, madalas pag iniisip ko yung ‘kamatayan’, tingin ko hindi ko na siya dapat katakutan. Nakatatak din kasi sa isip ko (bilang ganito ako pinalaki) na dapat araw-araw handa kang mamatay. Kahit alam kong minsan takot ako, kasi ayokong makadama ng sakit. I mean, yung physical pain. Kaya pag mamatay ako, ayoko ng aksidente o kahit anong may kinalaman sa sakit. Ayoko yung mapprolong pa yung sakit. Mas gusto ko nga yata na hindi na lang ako gigising, bigla na lang titigil yung hininga ko. Para swabe na yung pagkamatay ko wala ng involvement ng hospital at pera. Haha.

Ayun. Pero dahil madalas ko ngang isipin na paano kung mawala na lang ako bigla, madalas ko ring itanong sa isip ko kung ano kayang mangyayari pag wala na ko. Ano kayang reaksyon ng pamilya ko? Sino kayang mga iiyak? Dadalaw ba sa lamay ko yung mga may ayaw sakin? Sino kaya gagawa ng eulogy para sakin? Kung meron ba o wala? Kung ano na kayang mangyayari sa thesis namin? Sino papalit na auditor ng AA? Ano kayang reaksyon ng blockmates ko? Dadalaw ba sila sa puntod ko? 

Ayun lang naman. Curiosity. Siguro okay na panoorin ang mga tao pag nawala ka na, kung paano kaya gagalaw yung buhay nila ng wala ka. Kung may naiwan ka bang tatak o wala. Kung minahal ka ba nila o hindi. Yuck emo. HAHAHAHAHA!

Ayuuuuun. Okay na rin siguro tong blog na to para kung sakaling bigla man akong nawala oh eh di nahulaan ko na. Charyokaaa. Hahaha!

— 3 weeks ago with 1 note
#my life  #tagalog  #thoughts  #death  #kamatayan 
Dahil badtrip ako ngayong araw pero ayokong mabadtrip kaya idaan ko nalang din sa pagiging artsy. #prettybadwords #fuckthisshit

Dahil badtrip ako ngayong araw pero ayokong mabadtrip kaya idaan ko nalang din sa pagiging artsy. #prettybadwords #fuckthisshit

— 3 weeks ago
#prettybadwords  #fuckthisshit  #my life  #photo  #instagram 
Busy-busyhan.

Sobrang dami ng naganap ngayong summer at gusto kong ikwento lahat ngunit subalit datapwat hindi ko mabigyan ng oras ang sarili ko para mag update sa tumblr na to. Reblog lang ako ng reblog whatdafuck.

Oh well. Matapos lang siguro ang OJT ko sisimulan ko ng ikwento ang summer 2013 ko. Oo. Kailangan ko yung iblog dahil isa to sa mga summer na maraming ganap sa buhay ko. 

At oo nga pala, gumawa kasi ako ng isang sagradong blog sa jux. Isang Dalawang buwan palang ako don at ngayon sinabi na nilang magsasara na siya. WHUT. Sobrang saklap kung kelan meron na kong isang binubuhusan ng mga sagradong bagay. Gaganda pa naman ng mga posts ko dun. Huhuhuhuhu. Maarte ako kailangan ko ng isa pang blog dahil maraming nakakakilala sakin dito sa tumblr. EHEHEHE. Gagawa na lang ako ng isa pang blogspot. Ehehe. Abangan. Isang beses lang ako magbibigay ng link. Hahaha.

Ayun lang naman. Update update rin. 

— 3 weeks ago with 2 notes
#my life 
The Awkward FX diaries

Sumakay ako ng terminal ng FX papuntang quiapo last Sunday, Mother’s day, matapos namin manood ng pamilya ko ng ironman 3 at kumain ng pizza bilang isang maliit na selebrasyon. Nauna na kong umalis dahil nagpapasama si Ate Ronnie na mamili sa Divisoria, at pagkatapos nun ay manonood kami ng Ginebra vs TNT game 5 sa araneta kasama si birthday boy pagsy at LA. So yun eh di balik tayo. Sumakay nga ako ng FX. Sumakay ako sa harapan, yung sa may tabi ng driver. Mga after 5 minutes ay may sumakay naman sa tabi ko na babae. Mga kasing edad ko yata o mas bata pa sakin. Pagpasok niya, hula ko na agad na yung karakter niya ay yung katulad ng mga babae nakikita ko sa Culiat dati. Tipong mga pa-rockstar yung ichura at palaging nakatambay sa kanto tuwing gabi kasama yung mga lalaki niyang kaibigan na nagsskate board. O kaya naman yung mga babaeng nakikita mo sa tabi ng kanto na nakaupo kasama ang kapwa pa mga babae at nagtetext at halatang mga kinikilig. Parang ganon yung peg niya. Kaso may napansin ako, pagpasok niya yumuko siya at parang naiiyak. Sabi ko sa isip ko, nako baka nag-away yata sila ng boypren niya.   

Eh di niliban ko na muna yung isip ko kay girlaloo (tawagin na natin siyang girlaloo) at tinignan yung pera sa coin purse ko para i-budget ang mga dapat ko lamang gastusin para sa araw na yon. Bumukas yung pinto sa may driver’s seat at ayun na nga, naningil na yung driver. Eh di tinanong ko kung magkano hanggang Morayta, 40 pesos daw. Bwakanangyan. Palagi kong reklamo sa buhay kung bakit napakalayo ng lugar ko sa kabihasnan at kailangan kong magdusa sa pamasahe. Eh di ayun nagbayad na ko so balik tayo kay girlaloo. Maya-maya, siguro mga after 5 minutes din, bumukas yung pintuan sa tabi ni girlaloo. Nagulat ako akala ko may hoholdap samin bigla. Eh mas nakakagulat pala yung nangyari dahil… tentenenen!!!! Yung lalaking nagbukas ng pinto biglang hinalikan yung babaeng katabi ko matapos sabihin ang mga katagang “May nalimutan ka.” Ayos. Palang teleserye lang. Kaso ayun. Parang gusto kong ipagsigawan sa buong FX ang salitang AWKWARD. Okay lang naman eh. Okay lang talaga. Kung di lang sobrang tagal nilang naghalikan sa tabi ko. Siguro mga 5-10 seconds. Di ako sigurado basta more than 5 at less than 10. Matagal na yun. At yung naririnig ko pa yung sound effects ng halikan nila. YUCK. At ramdam ko ang tension ko at ng mga pasahero sa likod dahil sa namuyagpag na awkward silence. Pagkatapos halikan ni boy si girlaloo umalis siya agad at sinara yung pinto. DAFUQ.  Ultimate PDA to the next level. YUCK. Siguro nasasabi ko to dahil wala akong karomaromansa sa sistema pero kasi naman gurl. Ano ba naman yon. At kinilig pa si girlaloo matapos yun. Ahyesss si girl???

So shempre kunwari walang nangyare so nilabas ko ang earphones ko at nakinig ng musika. Naisip ko nalang sa sarili ko “PDA happens ” at tinext ko na rin si Ate Ronnie at kinwento yung nangyare para shempre kunwari busy-busyhan ako magtext.  Tapos mga ilang segundo may tumawag sa kanya. Si boy. Clingy lang? Bawal malisan sa isa’t isa? Nung tumawag siya dun ko naconfirm na nag-away nga sila. Galing ko talagang manghuhula.

Hindi ito yung eksaktong conversation pero parang ganito na rin yun base sa pagka-alala ko. Take note na malakas ang boses ni girlaloo, tipong rinig sa buong FX:

Girlaloo: Ano ba kasing nagawa ko? (Na medyo naiiyak)

Shempre sasagot si boy at di ko maririnig yun.

Girlaloo: Ha? (medyo naiiyak pa rin yung boses)

Shempre nagreply ulit si boy.

Girlaloo: Kiss?

Shempre nagreply ulit si boy.

Girlaloo: Anong kiss?

 

YESS???!!!! KAJIRITS. WALANG HALIKAN NA NAGANAP KANINA EHHH.

 

So ayun medyo marami na shang sinabi hindi ko na maalala. Nairita lang talaga ko na ang lakas pa ng boses ni girlaloo makipag-usap sa telepono. IKAW LANG YUNG PASAHERO EH. Okay so natapos ang eksena ng bago umandar ang FX ay biglang bumaba si girlaloo (ng kausap pa rin sa telepono si boy). Ayun. Dito na nagtatapos ang FX diaries ko. Nakabiyahe naman ako ng matiwasay dahil bumaba si ate mong PDA. Kung hindi baka balakin kong buksan yung pintuan at itulak sha habang umaandar yung FX. Charot. Ahahahaha.

Pasensya sa mahabang post. Di ko lang kinaya ang ultimate PDA to the nth level. Hindi mo talaga pwedeng gawin ang mga ganun sa Pilipinas. Sorry.

— 1 month ago with 4 notes
#my life  #tagalog  #fx diaries  #lol  #biyahe  #PDA  #usapang kalye  #pinoy 
The Jeep Diaries.

Marami na yata akong napost na mga kwentong jeep sa buhay ko. Pero dahil isa ito sa mga kakaibang ganap sa mga kwentong jeep ng tao, at dahil matagal na kong hindi nakakapagpost dito, ikkwento ko na rin.

At shempre, kung merong FX diaries, meron ring Jeep diaries. Heeheehee.

Eh di magsimula tayo.

Sumakay ako ng Jeep pagkatapos kong iwan yung mga damit ko sa dorm galing Caloocan. Nagmamadali ako bilang 9am na at ideally 9am dapat nasa Manila Bulletin na ko. So binibilisan ko ang lakad ko at parang minute to win it ang peg ng pagmamadali ko kanina, kaya pinara ko na agad ang unang jeep na nakita ko.

Pagpasok ko sa loob, eh di nagbayad ako ng pamasahe agad. Wala akong barya, at ang smallest bill ko ay 50php, so binayad ko na. Eh habang nasa jeep nakikinig ako ng radyo sa phone ko. Oo. Nakikinig ako ng 93.2 Radyo Singko bilang yun ang naka-assign sakin na i-monitor na radio station dahil nga election. Ayoko na mag-explain. Basta trabaho ko sha sa OJT at ayun nga so balik tayo. Nakikinig ako ng Radyo Singko so mejj wala talaga kong pake sa paligid ko. At isang fact tungkol sakin, absent-minded talaga ko lalo na tuwing umaga. Kung akala nyo alerto ako lagi, pwes hindi. Maraming pagkakataon na tanga ko lalo na pag wala ko sa sarili ko.

So yun nga. Medyo natagalan bago ko nakuha yung sukli ko. At nalaman kong papuntang Pier pala yung nasakyan kong jeep nung binigay yung sukli ko. Maygahd. Dadaan yun ng intramuros pero ibig sabihin mahaba ang lalakarin ko. Sa may city hall kasi ako bumaba dahil yung entrance nun pa-intramuros ay onting kembot nalang sa Manila Bulletin. Eh yung sa may Pier medyo malayo at kailangan ko pang umariba bago makarating ng Bulletin. Kaya medyo nainis ako ng 5 seconds. Sobrang sabaw ko hindi ko man lang tinignan yung ruta ng jeep pagsakay ko. Sa imagination ko lang yata nabasa yung “SM City Hall” na plaka. Pero shempre dahil nakasakay na ko, eh di bale na lang maglalakad na lang ako.

Bago pa man ako makarating sa bababaan ko, nagsibabaan na ang mga pasahero so ako na lang yung natira. Naisip ko bilang eleksyon onti lang talaga ang tao, medyo maluwag nga rin ang kalsada. So shempre chill at nakikinig lang ako ng radyo using my earphones. Kaso parang narinig ko yatang nagsalita si kuya kaso di ko maintindihan, so tinanggal ko yung isang earphones ko sa isang tenga. 

“Hindi ka ba boboto?” sabi ni kuyang driver.

“Hindi pa po. Hindi pa po ako registered,” sagot ko kay kuyang driver.

May sinabi pa sha pero hindi ko na naintindihan. Tas nung malapit na kong bumaba sabi niya,

“Taga-dapitan ka ba?” tanong ni kuyang driver.

Narinig ko pero kunwari hindi ko narinig so ang sagot ko ay, “Ano po?”

“Taga-dapitan ka ba? Dito ka ulit sumakay. Dadaanan kita ha. Abangan kita.” sabi ni kuyang driver ng may bahagyang ngiti.

Medyo na-alarma ko sa huling sinabi niya. Medyo scaresung. Nung una kasi tunog friendly siya pero nung sinabi niya na aabangan daw niya ko medyo nag-iba yung awra niya parang naging pedo bigla yung buong ichura ni kuya. Scaresung. Medyo malapit na naman ako sa bababaan ko kaya sabi ko ay, “Sigepoditonalangpokosatabisalamatpo.” Ganyan na ganyan. Habang sinasabi ko yan pababa na ko ng jeep na nagmamadali ng sobra.

Hanggang ngayon nasa utak ko pa rin yung ichura ni kuya sobrang scaresung. Bukas mag-iingat na ko baka masakyan ko ulit yung jeep niya. Scaresung to the nth level. 

— 1 month ago with 2 notes
#my life  #tagalog  #kwento  #jeep  #diary  #election 

Dahil uso daw ngayon yung mga pa-silouhette na litrato at yung mga tumatalon sa beach. Mehehehe. Charotsskiii. 

Pero ayan. Gusto ko lang i-reminisce ang una at huling summer outing ko na naganap sa pangasinan with AA. Shempre hindi pwedeng matapos ang summer ng wala man lang akong mga summer photos. At shemore feel na feel ko naman.

Nga pala, alam kong wala akong karapatang magpakita ng tiyan. Pero wala na kayong magagawa. Sorry for my tummy. AHAHAHA.

So yun, summer photos sa isang busy na summer.

— 1 month ago with 1 note
#summer  #photos  #my life  #beach  #sun  #lol  #tagalog  #filipino 
Me 10 seconds ago:I feel so sad i wanna cryyyy nobody loves me let`s die altogether
Me now:AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA FUCK THAT SHIT'S FUNNY AHAHAHAHAHAHAHAHA LOL HAHAHAHAHAHA ROFL
— 1 month ago with 3 notes
#my life  #true  #bipolar  #lol  #emo  #happy  #funny  #chat  #me 
Muni-muni.

Kanina nung umalis ako sa bahay ng pinsan ko (dahil doon ako natulog kagabi), nagpalipas muna ko ng mga isang oras na palakad-lakad sa kabihasnan ng cubao bago tuluyang umuwi. Ang bahay nga pala ng pinsan ko ay katapat lang ng gateway, kaya naglakad lang ako at pagpasok ko sa gateway, ewan ko ba kung anong meron at ayoko munang umuwi.

So naglakad-lakad lang ako, nagpalamig (bilang mainit sa labas), at nag-isip-isip ng kung anu-ano. Nung naikot ko na ang buong gateway, lumipat naman ako ng farmer’s. Meron lamang akong 150php sa coin purse ko kaya wala talaga akong ibang magagawa kundi maglakad lang. Sobrang dami ng tumatakbo sa isip ko. Sa sobrang dami nagkanda-halu-halo na at mukha na yata akong lutang at wala sa sarili habang naglalakad. Walking dead.

Sa pagkakataon na yun hindi ako buhay. Isa kong patay na naglalakad. Patay ang budhi at pagkatao ko. Wala akong pakealam sa oras basta lakad lang ako ng lakad at isip ng isip ng maraming bagay. Hindi emo to ah. Sobrang random nga ng mga iniisip ko, tipong iniisip ko kung ano kaya ang magiging ulam mamaya, kung malelate ba ko sa meeting ko bukas, etc. Mga ganun lang. Pero shempre may halong seryosong pag-iisip din gaya ng mga nararamdaman ko at mga pangyayari sa buhay ko at kung ano bang dapat kong gawin. Basta. Halo-halo talaga. Kulang nalang ng yelo at ube at lecheflan. Pag may nagtangka sigurong nakawin yung bag ko baka nga hindi ko na habulin. Wala rin naman silang makukuha dun kundi mga papel at damit at make-up at kung anu-ano pang basura. Sobrang wala ako sa sarili at hindi ko rin alam kung bakit. 

Ang weird lang dahil marami akong iniisip pero relaks ang pakiramdam ko. Kahit problema man ang iniisip ko, hindi ako mukang aligaga at nag-aalala. Ewan. Basta. Parang nabigyan ko kasi ng oras yung sarili kong mag-isip lang ng ganoon katagal. Madalas kasing aktibo yung utak ko at halos mabilisan dapat akong mag-isip. Parang naging parte na ng sistema ko na makapag-isip bigla ng mga ideya at kung-anu-ano. Madalas yata mag improvisation yung isip ko. In theater terms, plunge!

Minsan lang ako mag muni-muni ng ganito kaya naisipan kong ikwento. So bale ngayong araw, April 21, 2013 ay nag muni-muni si Christine Emano ng mga isang oras. Nag-iisip, naglalakad, at namatay ng isang oras sa kabihasnan ng cubao.

— 1 month ago with 1 note
#my life  #tagalog  #random  #diary  #isip  #muni-muni  #cubaodiaries 

AA Farewell Party 2013 @ Bolinao, Pangasinan 

This has got to be one of the best events of my summer so far ♥ Although only a few attended the farewell party, it was still memorable and it was a lot of fun!

Beach + Alcohol + Videoke + Flying Lanterns + Bonfire + Marshmallows+ Wowowee + Mafia Wars + Food + Nice rest house + AA people = HAPPINESS ♥ 

AA never fails to make me feel better :) Thank you AA family for completing my summer ♥ Oh and I got my Top 10 AA member award this sem  :)  This would be my third and last top 10 AA member award. My 1st and 2nd was when I was in 1st year for two consecutive sems. It’s been a long time since I became a liaison officer back then. Thank you, AA for the appreciation. I will always love serving you no matter what ♥

We will miss you Rich Kids!!! We will forever love youuuu!!

P.S: I love youu Buddy John Peralta & Buddy Tiara Corullo! ♥

Credits to: Tj Zialcita for the photos 

— 2 months ago
#my life  #summer  #outing  #farewell  #Artistang Artlets 
Better days :)

Feeling so much better :) I don`t know why but I feel like having those people around me right now who show their love and care is so much better than anything in the world right now. Thank you, Lord for blessing me with these people :) I feel like I can`t live and survive this phase of my life without them. So thank you so much, Lord ♥ No matter how many times I may get misjudged, or experience pain, or rejected, something or someone will always be there to make me feel better. THANK YOU ♥ 

— 2 months ago
#my life  #thankful 
Dahil sa madalas akong manood ng movie tuwing gabi at magpatugtog ng music habang nagcocomputer, at madalas nagigising ang nanay ko dahil sa kaingayan, headphones ang gawing solusyon.
At shempre dahil feel na feel ko naman at medyo may pagka-vain ako ngayong gabi, nagpichur sessions ako.
At dahil sa wala na kong mapost. Ayan. Memapostlang.
Hashtag: mukangcompshopgirl
Hashtag: yourfriendlyasianfriend
Hashtag: braso
Hashtag: jejejeje
Sorry phoez sa walang kwentang post. HAHAHAHA!

Dahil sa madalas akong manood ng movie tuwing gabi at magpatugtog ng music habang nagcocomputer, at madalas nagigising ang nanay ko dahil sa kaingayan, headphones ang gawing solusyon.

At shempre dahil feel na feel ko naman at medyo may pagka-vain ako ngayong gabi, nagpichur sessions ako.

At dahil sa wala na kong mapost. Ayan. Memapostlang.

Hashtag: mukangcompshopgirl

Hashtag: yourfriendlyasianfriend

Hashtag: braso

Hashtag: jejejeje

Sorry phoez sa walang kwentang post. HAHAHAHA!

— 2 months ago
#my life  #tagalog  #photo  #selfie  #vanity  #langkwents  #asiangirl  #pinoy  #filipino 

Artsy Day. April 9, 2013.

Went to Maginhawa (Leona Art Restaurant then Moonleaf) this afternoon with ate keavy, ate zuela, ate arr, ate exe, kuya jay & yana. We fed ourselves with artistic thoughts, literary apprehensions and pizza. It’s been a while since I were able to try and squeeze my creative and artistic juices when it comes to writing… (well, I have this free fiction workshop w/ Sir Eros but it’s only every other saturday)… And I think I need something like this every now and then, especially that I am not yet starting my ojt yet, because being a bum at home makes me a lazy and a less-interesting person. Haha.

Anyway, I can say that this Artsy Day has been very productive, even though it’s kind of spontaneous ♥ And I am getting excited of our outputs :) And for our tapang challenge on April 30, 2013. So help us, Lord :)

Artsy Day Theme: Tapang (Dahil araw ng kagitingan)

Key phrase: “Walang bawian”

Credits to Rb Zuela Herrera for the photo ♥

— 2 months ago with 1 note
#my life  #maginhawa  #artsy day  #araw ng kagitingan